Huwebes, Disyembre 11, 2014

Alaala ng Pagkakaibigan


Kaysarap balikan alaala ng ating pagkakaibigan
Mga biruan at asaran na nauuwi sa tawanan
Mga seryosong pag-uusap na nauuwi sa iyakan
At tampuhang nawawala dahil lang sa yakapan


Ngunit lahat ay nagbago, lahat ay nag-iba
Yakap ko sayo'y wala nang bisa upang tampo'y mawala
Ating pagkakaibigan ay tuluyan na nga yatang nasira
At heto tayo ngayon tila di na kilala ang isa't isa

Ako sayo ngayo'y may isang hiling 
Kaya't atensyon mo sakin muna ibaling 
Sana'y alisin sa puso ang galit 
At pagpapatawad ang siyang ipalit 

Ating alalahanin lahat ng pinagsamahan
nitong ating munting pagkakaibigan
Lahat ng pagsubok na ating pinagtagumpayan
Nawa'y wag naman sanang masayang 

Bago matapos tulang isinulat para sayo 
Ako'y may isang iiwanan sayo
Ito'y isang tanong na ang makasasagot ay tayo lamang
Ito bang pagkakaibigan ay hahayaang maging isang alaala na lang? 

12-11-14 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento