Huwebes, Disyembre 11, 2014

Alaala ng Nakalipas



Nais kong balikan alaala ng nakaraan
Tamis at pait na ating pinagsaluhan
Gustuhin mang ibalik dating samahan
Tila sa panaginip na lamang maaaring magkatuluyan


Pighati man ang hatid ng aking paglayo
Pagtutol man sigaw ng aking puso
Batid kong ito ang syang nararapat
Kahit pa pagmamahal sayo ay tapat

Sa paglisan ko sa 'yong piling
Kaligayahan mo ang tanging hiling
Baon ko'y tanging alaala
Ng panahong tayo'y magkasama


01-24-13 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento