Huwebes, Disyembre 11, 2014

Ang Kahapon


Kalungkutang dala ng iyong nakaraan 
Lipas na kaya't dapat kalimutan 
Pighati't sakit ng iyong kahapon 
Tuluyan mo na sanang itapon 

Luha sa iyong mga mata'y punasan
'Pagkat oras na upang iwan ang nakaraan 
Pagpapatawad at paglimot iyo nang simulan
'Pagkat di na mababago ang panahong nagdaan

Alaala ng lumipas ay iyo nang talikuran 
At harapin ang iyong kinabukasan
Puso mo'y muling buksan 
Upang kaligayahan dito ay manahan

Ang buhay ay sadyang kay ikli
Huwag ikulong ang sarili sa pagkakamali
Iwanan ang madilim na kahapon
Upang maging maligaya sa habang panahon

10-18-12

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento