Huwebes, Disyembre 11, 2014

Para Sa'yo Aking Kaibigan

Sa pagdaloy ng luha sa iyong mga mata
Aking nabanaag ang sakit at pagdurusa
Di man batid dahilan ng iyong pighati
Ako'y nandirito, sa sakit handang makihati

Luha sa iyong mata'y aking pupunasan 
Lungkot sa iyong mga labi'y papalitan
Sugat sa puso'y aking pilit lulunasan
Gagawin lahat ng iyan sumaya ka lamang

Masakit makitang ika'y nahihirapan
Mula sa pagsubok na iyong pilit nilalabanan
Ngunit ika'y wag mawala ng pag-asa
Dahil ako'y nandirito handa sa'yong sumama

Anuman ang problemang iyong kakaharapin
Andito lang ako upang ika'y laging palakasin
Di ka iiwan, ika'y laging pangingitiin
Sakit at pait sayong puso'y papawiin

Anuman ang magyari, laging tatandaan
Anuman ang problema'y kayang solusyunan
Kaya't wag nang mangamba, aking kaibigan


Kalungkutang bumabalot sa'yo, sabay nating wawakasan

01-27-13

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento