Sa pagtungtong ng aking mga paa sa paaralang ito
Takot at kaba ang naghari sa puso ko
Ano nga ba ang maaring mangyari sa pagpasok ko dito?
Mga guro nga kaya’y tatanggapin ako?
Pagharap sa mga mag-aaral kaya’y kakayanin ko?
Pagiging isang guro kaya ang talagang nais ng puso ko?
O dito matatagpuan ang sarili na sumusuko?
Yan ang ilang tanong na sa aking isip ay gumugulo
Bagong tao, bagong kapaligiran
Ito ang bagong pagsubok na di ko mapipigilan
Pagtuturo sa mga bata ay dapat nang paghandaan
Pakikitungo sa iba ay dapat matutunan
Di akalaing sa bagong mundong ito
Mararanasan ang mga bagay na hinangad ko
Makapagturo sa mga bata na pangarap ko
Sa paaralang ito, malayang nagawa ko
Sa apat na sulok nang silid na kinalalagyan ko
Dito nakilala mga gurong tinitingala ko
Kaalaman at karunungang kinakailangan ko
Di ipinagdamot na ituro sa isang tulad ko
Pasasalamat sa inyo ay di mailarawan
Pagkat mga itinuro nyo sa akin ay di kayang tumbasan
Kung hindi dahil sa inyo ay di ko malalaman
Ang mga bagay na sa pagtuturo ay dapat kong matutunan
Sa pagdaan ng mga araw sa silid na ito
Tunay na kaligayahan ang nadama ko
Pagmamahal sa pagtuturo ay mas naranasan ko
Lalo na at naandyan kayo
Salamat sa inyo mga hinahangaan kong guro
Mga araw na kasama kayo’y di mabubura sa aking puso
Mga pangaral at gabay ninyong itinuro
Sa aking isipan ay di maglalaho
Di namalayang ang oras ay agad na tumakbo
Palayo sa lugar na agad na minahal ko
Paglisan rito’y kailangan nang gawin
Dahil isang panibagong pagsubok na naman ang kailangang
harapin
Ngunit paglisan rito’y may iiwan ako
Ito ay ang munting tulang alay ko
Nawa ay tanggapin ninyo itong munting regalo ko
Na aking isinulat at galing sa puso ko.
11-06-14
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento