Huwebes, Disyembre 11, 2014

Panaginip


Sa aking pag-idlip
Ikaw sana ang panaginip
Sa aking paghimbing 
Ikaw ang nais makapiling

Makasama ka'y anong saya
Mahagkan ka'y anong ligaya
Ikaw na siyag laman ng aking panaginip
Ikaw na totoo lamang sa aking isip
Wag sanang maudlot sayang nadarama
Sa pagmulat ng mga mata sa umaga


                                                                                         10-15-12


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento