Huwebes, Disyembre 11, 2014

Kwento ng Pagkakaibigan



Mula sa isang ngiti
Hanggang sa matamis na pagbati
Dalawang batang magkaiba
Nagkakilala’t nagkasama

Pagkakaibiga’y nabuo

Tumatag at lumago

Masayang pagsasama
Bumuo ng magandang alaala

Ngunit tadhana’y mapaglaro
Dal’wang magkaibiga’y pinaglayo
Pagita’y magkabilang mundo
Pagkikita’y sadya nang Malabo

Ngunit magkalayo man sa isa’t isa
Mga puso’y di mawawalan ng pag-asa
Na minsa’y muling magkakasama
Magkikita’t makakapiling ang isa’t isa

Pagka’t ang pinagsamahan
Di basta basta makakalimutan
Pangako’y pinahahalagahan
Pagkakaibiga’y di kayang talikuran

Pangakong pagkakaibigan
Di basta basta mahahadlangan
Pagka’t ang pinagsamahan
Subok na’t di kayang wakasan



PS: Ang dalawang magkaibigan sa tula. :)



02-19-13








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento