Mula pa noong bata'y agad nang inaasam
Mapunan ang pangungulilang dinaramdam
Yakap at pagmamahal mula sa isang ama
Ang pinapangarap na madama
Kaya't labis na kasiyahan ang naramdaman
Nang masilayan amang di nakagisnan
Tuwa't saya'y walang mapaglagyan
Pagka't pagkikita'y hindi inaasahan
Pagmamahal ng isang ama, matagal nang hiling
Nang isang batang, ama'y hindi nakapiling
Ngayo'y dininig munting dalangin
Tila wala na ngang mahihiling
04-01-13
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento