Nooong
una’y labis ang takot na nadama ko
Sa
pagpasok pa lamang ng silid ninyo
Kaba ay
agad na nadama
Sa
pag-aakalang ako’y maaring di nyo magustuhan
Sa
pagharap ko sa inyo bilang guro sa Filipino
Nalaman
ang ilang bagay na ayaw ninyo at gusto
Kakulitan
at kaingayan ay di ninyo maitatago
Sa
aking klase may ilan pa ngang nahihimbing sa pagkakatulog
Dahil
sa inyo naranasan ko ang ilang bagay
Na sa
hindi na maiaalis sa aking buhay
Pagtuturo
ay minahal dahil sa inyo
Kayong
mag-aaral ko ang inspirasyon ko
Mga araw
ay mabilis na dumaan
Sa
paaralang ito ako’y kailangan nang magpaalam
Di man
nais na kayo ay aking iwan
Sa puso
ko naman kayo ang laman
Sa inyo aking mag-aaral na minamahal
Ang tanging payo ko sa inyo ay mag-aral
‘pagkat ang yaman ay di kailan man nagtatagal
Ngunit karunungan sa inyong isip ay di matatanggal
Nawa sa pamamalagi ko dito kayo’y nabahaginan
Mga aral at karunungan na dapat matutunan
Aking mga mag-aaral ako man ay inyong malimutan
Nawa ang mga naituro ko, sa puso’t isip nyong manahan
Sa paglisan ko ay baon ko naman
Mga alaalang di ko malilimutan
Mahirap magpaalam sa inyo aking mag-aaral
Pagkat kayo sa akin nga’y napamahal
11-06-14
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento