Ika'y nabuhay para sa amin
Iyong inako aming pasanin
Labis na hirap Iyong tiniis
Upang sa kasalanan kami'y malihis
Kamatayan ay Iyong hinarap
Wag lang kaming dumanas ng hirap
Sa krus Ikaw ay napako
Aming kasalana'y Iyong inako
Pag-ibig mong walang kapantay
Binuwis kahit sariling buhay
Pag-ibig mong walang hanggan
Hatid sa ami'y labis na kaligayahan
Tanging Ikaw lamang ang makapagbibigay
Pag-ibig na sadyang walang kapantay
Dahil Ikaw lamang ang handang mamatay
Upang kami'y mabuhay
10-15-12
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento