Tulad ko'y isang ibon sa himpapawid
Sumasabay lamang sa ihip ng hangin
Di alam kung saan nga ba paroroon
'Pagkat buhay ko nama'y walang direksyon
Unti-unti'y kakulangan ay naramdaman
Kalungkutan ay aking nasumpungan
Buhay ko'y napuno ng lumbay
Pighati ang sa puso'y namahay
Ngunit buhay ay biglang nag-iba
Nang ika'y dumating at nagpakilala
Ako'y inakay mo sa tamang daan
Sa puso ko, Ikaw ay nanahan
Di ko inaasahang aking masusumpungan
Ang bubuo sa kakulangang nararamdaman
Pagmamahal Mong walang hanggan
Sa akin ay Iyong pinaramdam
Pangako Mo'y di ako iiwan
Kasama ka magpakailan pa man
Kamay Mo ang laging gabay
Sa buhay kong puno ng paglalakbay
10-17-12
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento