Lunes, Disyembre 14, 2015

Hindi na Ako

Hindi na ako 
by: Ixshaila


Hindi na ako ang dating ako 
Sa wakas ay nakaya ko nang lumisan sa mundong ginagalawan mo 
Pinaubaya ko na sa hangin ang dating nararamdaman ko 
Nilimot na ang masakit na nakaraan ko 


Hindi na ako ang dating ako 
Ang babaeng labis na umibig sayo 
Lahat ay ginawa upang mapansin mo  
Ngunit kahit kailan tila hindi mo natanto 


Hindi na ako ang dating ako 
Sa wakas ay nagising na rin ako 
Sa totoong takbo ng mundo 
Kung saan di lahat ng gusto'y makukuha ko 


Hindi na ako ang dating ako 
Ang dating lumuha ng dahil sa'yo 
Dahil ngayon ay akin nang napagtanto 
Na kahit kailan sa puso mo hindi naging ako 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento