Huwebes, Disyembre 11, 2014

Alaala ng Pagkakaibigan


Kaysarap balikan alaala ng ating pagkakaibigan
Mga biruan at asaran na nauuwi sa tawanan
Mga seryosong pag-uusap na nauuwi sa iyakan
At tampuhang nawawala dahil lang sa yakapan

Ang Kahapon


Kalungkutang dala ng iyong nakaraan 
Lipas na kaya't dapat kalimutan 
Pighati't sakit ng iyong kahapon 
Tuluyan mo na sanang itapon 

Para Sa'yo Aking Kaibigan

Sa pagdaloy ng luha sa iyong mga mata
Aking nabanaag ang sakit at pagdurusa
Di man batid dahilan ng iyong pighati
Ako'y nandirito, sa sakit handang makihati

Para sa Aking Ama




Mula pa noong bata'y agad nang inaasam
Mapunan ang pangungulilang dinaramdam
Yakap at pagmamahal mula sa isang ama
Ang pinapangarap na madama

Kwento ng Pagkakaibigan



Mula sa isang ngiti
Hanggang sa matamis na pagbati
Dalawang batang magkaiba
Nagkakilala’t nagkasama

Alaala ng Nakalipas



Nais kong balikan alaala ng nakaraan
Tamis at pait na ating pinagsaluhan
Gustuhin mang ibalik dating samahan
Tila sa panaginip na lamang maaaring magkatuluyan

Buhay Ko'y Binago Mo


Tulad ko'y isang ibon sa himpapawid
Sumasabay lamang sa ihip ng hangin 
Di alam kung saan nga ba paroroon 
'Pagkat buhay ko nama'y walang direksyon 

Panaginip


Sa aking pag-idlip
Ikaw sana ang panaginip
Sa aking paghimbing 
Ikaw ang nais makapiling

Pag-ibig Mo



Ika'y nabuhay para sa amin 
Iyong inako aming pasanin
Labis na hirap Iyong tiniis
Upang sa kasalanan kami'y malihis

Martes, Disyembre 9, 2014

Sa inyo aking mga mag-aaral


Nooong una’y labis ang takot na nadama ko
Sa pagpasok pa lamang ng silid ninyo
Kaba ay agad na nadama
Sa pag-aakalang ako’y maaring di nyo magustuhan

Salamat sa Inyo


Sa pagtungtong ng aking mga paa sa paaralang ito
Takot at kaba ang naghari sa puso ko
Ano nga ba ang maaring mangyari sa pagpasok ko dito?
Mga guro nga kaya’y tatanggapin ako?